-- Advertisements --

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagal na nilang nagiging problema ang pagkuha ng ilang mga sundalo nila para lumaban sa ibang bansa.

Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na noon pa man ay may mga insidente ng kahalintulad na nangyari kay Raymond Gumangan.

Si Gumangan ay naaresto ng Ukraine matapos na kasamang lumalaban ng mga Russian forces.

Subalit paliwanag ni Gumangan na dating security aide ay niloko siya ng recruiter at pinangakuhan ng magandang trabaho.

Dagdag naman ni Padilla na kanilang tinutulungan ang mga retiradong sundalo na makalipat sa buhay sibilyan gaya ng pagbibigay ng training at livelihood program para hindi sila makuha bilang mercenaries sa ibang bansa.

May ilang mga retiradong sundalo rin ang kinukuha para maging bahagi ng private army ng ilang mga matataas na opisyal ng bansa.

Sa ngayon ay nakikipag-uganayan ang AFP sa Department of Foreign Affairs para matulungan sai Gumangan na makabalik sa Pilipinas.