-- Advertisements --

Nagkausap sina Russian President Vladmir Putin at Chinese President Xi Jinping.

Sa isinagawang video call, ay tinalakay ng dalawa ang pagpapatibay ng kanilang bansa.

Kasama rin na napag-usapan ang pagsasaayos sa relasyon nila sa Estado Unidos.

Inilarawan ni Putin na mahalaga ang foreign policy ng dalawang bansa.

Dagdag pa nito na magpapatuloy ang mahigpit na ugnayan ng China at Russia kasama ang global at regional agendas.

Magugunitang ilang mga European leaders ang dumalaw na sa China matapos ang planong pag-angkin ni US President Donald Trump sa Greenland.

Noong nakaraang buwan ay bumisita na ang Prime Ministers ng Canada at British habang sa mga susunod na linggo ay bibisita naman ang opisyal ng Germany.