-- Advertisements --

Binawi ng Trump administration ang visas ng mga opisyal ng Palestinian Authority (PA) at Palestine Liberation Organization.

Isinagawa ito bago ang gaganaping pagpupulong sa United Nations headquarters sa New York sa susunod na buwan.

Binatikos kasi ng State Department ang PA dahil sa pagpapalaganap nito ng “lawfare campaigns” kabilang ang apila sa International Criminal Court of Justice (ICJ) at International Criminial Court (ICC).

Nanawagan din umano ang PA sa mga bansa na kilalanin ang Palestinian state.

Ang nasabing mga kadahilanan ay siyang nagbunsod kaya hindi pinapakawalan ng Hamas ang mga hawak nilang mga bihag at ang bigong ceasefire talks.

Una ng naglabas ng desisyon ang ICJ na dapat ay tuluyang umalis ang Israel sa teritoryo ng Palestino.

Habang pinapaaresto ng ICC si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu noong Nobyembre kasama si dating defence minister Yoav Gallant dahil sa ginawa nilang war crimes.