-- Advertisements --
Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang sisimulan na ang ceasfire negotation sa Gaza.
Sinabi nito, nais na rin niyang matapos ang giyera at mapalaya ang mga bihag ng Hamas.
Matapos ang nasabing pahayag ng Israeli Prime Minister ay pinaigting nila ang pag-atake sa Gaza.
Giit nito na ang nasabing pag-atake ay mayroong basbas mula sa White House. Una ng sinabi ni Netanyahu na kanilang paiigtingin ang kanilang opensiba sa Gaza.
Kinondina naman ng maraming mga bansa ang ginawang ito ng Israel kung saan marami aniyang mga Palestino ang nawalaan ng tirahan sakaling matuloy ang pagkubkob ng Israel sa Gaza.