Nakuha ng Zamboanga City ang kampeonato sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Ito ay matapos talunin nila ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa score na 22-19.

Bumida sa panalo ng Zamboanga sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na kapwa nagtala ng tig-7 points.

Bukod sa tituloy ay nag-uwi ang koponan ng P1-million na premyo sa torneo.

Magugunitang naging professional league ang Chooks-to-Go Pilipinas noong Hulyo.