Hawak na ng Barangay Ginebra 2-1 sa best of seven PBA Philippine Cup semifinals laban sa San Miguel.
Hinid hinayaan ng Gins na maungusan sila ng Beermen 100-90 sa laro na ginanap sa Smart-Araneta.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si RJ Abarrientos na nagtala ng 24 points, siyam na rebounds at walong assists habang mayroong 20 points, pitong rebounds, tatlong assists at dalawang blocks si Jamie Malonzo.
Nagtala din ng 18 points si Japeth Aguilar at 16 points, pitong rebounds , limang assists, dalawang steals at isang block si Scottie Thompson.
Labis na man ipinagmalaki ni Ginebra coach Tim Cone ang kaniyang mga manlalaro dahil sa pagsusumikap na kanilang ipinamalas sa laro para manalo.
Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Don Trollano para sa Beermen.