Matagumpay na nag-debut sa senior continental stage si Albert Ian Delos Santos matapos masungkit ang bronze medal sa men’s 70kg weightlifting event ng 2026 Asian Games na ginanap sa Nagoya City Trade and Industry
Hindi lamang medalya ang naiuwi ng 20-anyos na Filipino weightlifter, kundi isang bagong junior world Asian record matapos magtala ng 183 kg sa cleran and jerk sa kanyang ikatlong attempt.
Nalampasan ni Delos Santos ang dati niyang junior world at Asian record na 180kg nang maiangat niya ang 181kg sa kanyang ikalawang attempt. Sa kanyang huling attempt, lalo pa niyang pinabigat ang hamon at matagumpay na naiangat ang 183kg upang muling basagin ang sarili niyang rekord.
Sa snatch, nakapagtala si Delos Santos ng 141kg , dahilan upang umabot sa 324kg ang kanyang kabuuang nabuhat at tuluyang masungkit ang ikatlong puwesto sa podium.
Naungusan niya si Uzbekistan’s Adkhamjon Ergasev, na nagtapos sa ikaapat na puwesto na may kabuuang 318kg mula sa 142kg snatch at 176kg clean and jerk.
Samantala, nasungkit ni North Korea Ri Wun Ju ang gintong medalya matapos magtala ng 349kg, kabilang ang 151kg snatch at 198kg clean and jerk. Pumangalawa naman ang host country bet na si Masannori Miyamoto ng Japan na may 342kg total.
Ang bronze medal ni Delos Santos sa kanyang unang Asian Games appearance, kasabay ng pagtatala niya ng bagong junior world at Asian record.
















