-- Advertisements --
Nabigo ang Alas Pilipinas Men’s Volleyball Team na makuha ang kanilang unang panalo sa Pool D ng Asian Games 2026 matapos silang talunin ng Chinese Taipei sa isang dikit na laban, 25-21, 20-25, 27-25, 29-27.
Matapos ang pagkatalo, nagtapos ang kampanya ng Pilipinas sa elimination round nang walang panalo. Nauna nang natalo ang Alas Pilipinas sa South Korea sa straight sets, bago muling natalo sa China sa straight sets.
Sa kabila ng matinding laban kontra Chinese Taipei, hindi na nakahabol ang Pilipinas sa quarterfinals. Tanging dalawang nangungunang koponan mula sa bawat pool ang umaabante sa torneo.
















