Isang panalo na lamang ang kailangan ni Carlo Paalam upang masungkit ang gintong medalya matapos umabante sa finals ng men’s 55-kilogram boxing event.
Tinalo ni Paalam ang boksingero mula sa Kazakhstan na si Makhmud Sabyrkhan sa isang dikit na semifinal game. Matapos ang tatlong rounds, itinanghal na panalo ang Filipino boxer sa pamamagitan ng 3-2, aplit decision
Maaga pa lamang ay ipinakita na ni Paalam ang kanyang agresibong laro, kung saan nakuha niya ang unang round sa score na 10-9 mula sa apat sa limang judges.
Sa kanyang semifinal victory, nakasiguro na si Paalam ng silver mnedal ngunit nakatuon na ngayon ang Olympic silver medalist sa pinakamataas na puwesto sa podium.
Makakaharap niya sa gold medal match ang manlalaro mula sa host country na Japan na si Rui Yamaguchi na umabante sa finals matapos talunin si Bilguunsaikhan Kharhuu ng Mongolia sa pamamagitan ng 5-0 decision.
















