Umabante sa semifinals ng Asian Games 2026 Women’s Beach Volleyball ang pares ng Pilipinas na sina Khylem Progella at Sofiah Pagara matapos talunin ang host country Japan sa quarterfinal match.
Nagtapos ang laban sa straight sets, 24-22, 22-20, kung saan kapwa ipinakita ng Pilipinas at Japan ang matatag na depensa at opensa hanggang sa mga crucial points.
Sa unang set, nagpalitan ng puntos ang dalawang koponan na umabot sa extended play ang set matapos manatiling dikit ang iskor, ngunit napanatili ng Filipina duo ang composure upang tuluyang kunin ang 24-22 na panalo.
Mas naging maigting naman ang ikalawang set, nakalamang ang Pilipinas, 18-15, ngunit unti-unting nakahabol ang Japan at naitabla ang laro, unang naitala ng Pilipinas ang match point ngunit agad itong nasagot ng Japan para sa extended match point.
Sa mga sumunod na rally, muling nagpalitan ng puntos ang dalawang pares bago tuluyang isara ng Pilipinas ang set sa 22-20, dahilan upang maselyuhan ang straight-sets victory.
Dahil sa panalong ito, opisyal nang nakapasok sa semifinals sina Progella at Pagara para sa kanilang kampanya sa medalya ng Pilipinas sa torneo.
















