-- Advertisements --

Pinili pa rin ni NBA star LeBron James na manatili sa Los Angeles Lakers.

Ito ay matapos na piliin niya ang $52.6 milyon na player option para sa susunod na season.

Dahil dito ay siya ang unang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na maglalaro ng 23 seasons sa LA ngayong 2025-26 seasons.

Sinabi ni Jeannie Buss ang controlling owner at team president na nais ng 40-anyos na si James na makuha pa ang kampeonato.

Si James ay naglaro ng 1,562 regular season-games kung saan mayroong 50 laro pa lamang ay mahihigitan na niya si Hall of Fame member Robert Parish.

Mayroon siyang average na 24.4 points, 7.8 rebounds at 8.2 assists sa 70 na laro nitong 2024-25.

Siya ang 21-beses na naging All-Star player at four-time league MVP at four time NBA champion.