-- Advertisements --

Umakyat na sa kabuuang 16 ang bilang ng indibidwal na nasawi sa Lungsod ng Quezon dahil sa dengue.

Batay ito sa naging kumpirmasyon ng kanilang Epidemiology and Surveillance Division.

Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division, pumapalo na sa kabuuang 5,355 ang naitalang kaso sa lungsod katumbas ng 260.61% na pagtaas.

Ito ay mas mataas kumpara sa bilang ng naitalang kaso ng dengue sa parehong panahon noong nakalipas na taon.

Dahil dito ay patuloy ang pagsasagawa ng mga health official sa lungsod ng monitoring at surveillance sa mga kaso sa kanilang barangay na lebel.

Hinimok rin ng Quezon City Health Department ang publiko na magpakonsulta agad sa doktor kung makaramdam ng sintomas ng dengue.

Mas mainam rin aniya na maglinis ang mga ito ng kanilang kapaligiran upang maaalis ang mga bagay o lugar na posibleng pagtirhan ng lamok na maaaring may dalang dengue virus.