-- Advertisements --

Nakapagtala ng unang panalo ang Rain or Shine Elasto Painters sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na tambakan nila ang TNT Tropang Giga 107-86 sa laro ng ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Dahil dito ay mayroon ng isang panalo ang Rain or Shine habang ang TNT ay mayroon ng dalawang panalo sa best of seven semifinals.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine si Anton Asistio na nagtala ng 24 points at anim na rebounds habang mayroong 16 points at apat na rebounds si Caelan Tiongson.

Nasayang naman ang nagawang 16 points ni Calvin Oftana para sa TNT.