-- Advertisements --

Naitabla na ng San Miguel Beermen sa 1-1 ang best of seven Philippine Cup semifinals nila ng Barangay Ginebra.

Nalusutan ng Beermen ang Gins sa score na 100-83 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa unang quarter pa lamang ay dominado ng Beermen ang laro 26-15 at sa pagtatapos ng first half ay napalapit pa ng Ginebra ang kalamangan 50-41.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Marcio Lassiter na nagtala ng 16 points habang mayroong14 points si Don Trollano.

Hindi naman umubra ang ginawang 17 points ni Stephen Holt at tig-10 points nina Jeremiha Gray at Nards Pinto para sa Ginebra.