-- Advertisements --

Naghain si Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian ng panukalang batas upang bawasan ng isang taon ang pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo. 

Mula sa apat na taon, nais ni Gatchalian na gawin na lamang ito sa tatlong taon. 

Paliwanag ng senador, pagpasok ng estudyante sa kolehiyo major subject na agad ang aaralin nito samantala ilalagay naman sa Senior High School (SHS) ang mga general subjects. 

Dagdag ni Gatchalian, ang ganitong sistema ay ipinatutupad na sa iba’t ibang panig ng bansa gaya ng United Kingdon. Canada, at Australia. 

Layunin din aniya ng pagbabawas ng taon sa kolehiyo ay upang maiwasan ang paguulit ng mga courses at makapagpokus ang mga bata sa kanilang specialization. 

Dapat din aniyang iprayoridad  ang pagtuturo ng mga soft skills sa mga mag-aaral sa Senior High School, kabilang ang critical thinking, communication, problem solving, socio-emotional skills, creativity, at collaboration.