-- Advertisements --
Tiniyak ni Senador Sherwin Gatchalian na isusulong nito ang imbestigasyon ukol sa pagkakasangkot ng mga mag-aaral sa talamak na online gambling sa bansa.
Iginiit ng senador ang kahalagahan ng mga interbensyong nakabatay sa edukasyon upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa online gambling.
Muling isinusulong ng senador ang agarang pagpasa sa Online Gambling Regulatory Act upang matigil ang lumalaking banta ng online gambling, lalo na sa mga kabataan.
Kasabay nito, muling inihain ng senador ang Electronic Gadget-Free Schools Act na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng cellphone at iba pang electronic gadgets sa oras ng klase—isang hakbang na aniya’y kinakailangan upang maibalik ang atensyon at kalidad ng pagkatuto sa mga silid-aralan.