Maaaring ipahinto ang pag-release ng suweldo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa kanyang matagal na pagliban sa Senado, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Martes.
Sinabi ni Lacson na pinag-aaralan ng Senado ang posibleng amendment sa Senate Rules para suspindihin ang suweldo ni Dela Rosa. Hindi pa opisyal na nakumpirma kung may inilabas na arrest warrant laban sa senador matapos siyang iugnay bilang co-perpetrator sa crimes against humanity case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa niya, kailangan munang pag-aralan ang legal basis, dahil sakop ang mga senador ng civil service law.
Ayon kay Lacson, puwede ring irekomenda ng ethics panel ang naturang aksyon at ipatupad ng plenaryo kapag na-adopt. (report by Bombo Jai)
















