-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang mahabang panahon ng ensayo nila para sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ayon kay Cone, na sa araw ng Lunes, Hunyo 30 ay sisimulan nila ang ensayo at pagkatapos nito ay magsaagawa sila ng training camp sa Pampanga.

Ang orihinal kasi na plano ay sa Hulyo 27 pa subalit nais ni Cone ng mas mahabang ensayo para sa national basketball team.

Makakasama niya na magbabantay sa ensayo ng Gilas ay sina Richard Del Rosario at Sean Chambers.

Susubukan nila ng matapos ng hanggang 18 ensayo na kinabibilangan ng dalawang beses sa isang araw na ensayo.

Wala na rin aniya magiging problema sa schedule ng mga overseas-based players na sina Dwight Ramos, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.