-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng mga kamag-anak ng nawawalang sabungero sa gobyerno na simulan na ang pagsisid sa Taal, Lake.

Sinabi ni Aurelio Panaligan ang tiyuhin ng dalawang nawawalang sabungero na dapat gawin nila ang pagsisid agad matapos na ibunyag ng isa sa mga saksi.

Giit nito na kung totoo man ang sinasabi ng witness ay hindi na dapat magdalawang isip ang gobyerno.

Una ng sinabi ng Department of Justice na hihingi sila ng tulong sa mga expert divers para tuluyang mahanap ang bangkay ng mga sabungero.

Magugunitang ibinunyag ng witness na kanilang itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.