Hindi nababahala si Manila 6th District Rep. Benny Abante sa dalawang petisyon na nakahain sa Korte Suprema na parehong kumukuwestyon sa legalidad ng desisyon ng Senate Impeachment Court ukol sa 2/3-vote treshold.
Si Abante ang nag-endorso sa impeachment complaint laban kay VP Sara na kasalukuyan ngayong dinidinig sa Senado.
Ayon kay Abante, karapatan ng sinuman, at ng kampo ni VP Sara na dumulog sa kataas-taasang hukuman, at kuwestyunin ang naging desisyon ng mga senator-judge.
Gayonpaman, kampante ang mambabatas na solido ang naging basehan ng impeachment court para babaan ang denominator ng treshold at ibilang lamang ang mga senador na nakakadalo sa pagdinig.
Sapat din aniya ang pag-konsulta ng korte sa mga dating mahistrado ng Korte Suprema upang makabuo ng kaniya-kaniyang desisyon ang mga senator-judge, batay sa itiinatakda ng batas, at ng jurisprudence.
Sa ngayon, ang tanging nakababahala aniya ay ang posibleng gagawin ng mga supporter ng kampo ni VP Sara Duterte.
Kabilang dito aniya ang posibilidad ng kanilang pangugulo, lalo na kung hindi papabor sa kanila ang desisyon, kapwa ng SC at ng Senate impeachment court.
















