-- Advertisements --

Lumagda ng isang kasunduan ang Bureau of Immigration at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR upang mapabilis ang ‘deportation’ ng mga Philippine Offshore Gaming Operations workers na nasa bansa.

Layon sa nilagdaang Memorandum of Agreement o MOA na makapagbigay ng asiste sa pagsuporta na mapadali ang pagpapa-deport sa mga ilegal na dayuhang trabahador na sangkot sa POGO.

Pinangunahan mismo ito nina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco at BI Commissioner Joel Anthony Viado bilang ‘principal signatories’.

Sa ilalim ng kasunduan, inaasahang maghahatid ng tulong ang PAGCOR ng P50 million sa BI na nakalaan para sa deportation ng mga illegal foreign POGO workers.

Kaya’t dahil dito’y inihayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kanyang pasasalamat sa PAGCOR sa aktibong pagsuporta sa kanilang kawanihan.

Aniya’y ang hakbang na ito ay nagpapatunay sa ‘whole-of-government approach’ sa pagtugon ng pamahalaan sa mga banta sa national security.

Kaya naman ipinagmalaki ni Viado na ang nilagdaang kasunduan ng kawanihan katuwang ang PAGCOR ay isang konkretong hakbang para maresolba ang isyu kaugnay ng ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.