Pinaghahandaan na ng Philippine Army ang kanilang pagllatag at pagbibigay ng seguridad para sa nallapit na Parliamentary Elections sa Oktubre 13.
Ito ay matapos na bumisita si PH Army Chief LtGen. Antonio Nafarrete sa 6th Infantry “Kampilan” Division sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Aniya, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga sundalo ngayong nallapit na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) partikular na sa pagpapantili ng kapayapaan at seguridad.
Ito ay para mapigilan rin ang mga insidente o mga banta na mayroong kaugnayan sa gaganaping halalan.
Maliban naman sa mga sundalong mula a 6th Infantry Division ay magtatalaga rin ang PH Army ng mga tauhan mula sa 1st at 11th Infantry Division bilang karagdagang augmentation sa iba pang bahagi ng Bangsamoro gaya ng Basilan, Lanao Del Sur, Maguindanao, Tawi-Tawi at maging sa Cotabato City.
Samantla, kasalukuyan namang nakadeploy na ang higit sa 9,731 na mga pulis ng Philippine National Police (PNP) sa rehiyon habanag patuloy naman ang implementasyon ng gun ban na siyang nagsimula pa nitong Agosto 14 at ippatupad hanggang Oktubre 28.
Nagpapatupad rin ng mga checkpoints at chokepoints ang Pambansang Pulisya bilang bahagi naman ng kanilang regular na mandato para matiyak ang seguridad at kaayusan sa bansa.