-- Advertisements --

Itatalaga ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang bilang ng 9,731 na pulisya bilang pwersa sa araw ng parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Oktubre 13.

Sa isang pulong balitaan ngayong umaga sa Kampo Krame, inihayag ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na nagumpisa na ilang magtalaga ng pulisya sa lalawigan bilang bhagi ng kanilang paghhanda para sa darating na halalan.

Kasabay nito at batay na rin sa resolusyon ng Commission on Elections (Comelec), ay magpapatupad din ng gun ban sa lalawigan mula Agosto 14 hanggang Oktubre 28 habang patuloy naman ang pagpapatupad ng mga checkpoints at chokepoints bilang bahagi naman ng regular na mandato ng pulisya.

Samantala, batay nman sa datos ng Comelec, 94 mula sa 108 na bayan sa Bangsamoro ang itinuturing na election areas of concern at 29 ang nasa ilalim ngayong ng red category habang dalawa pang bayan ang kasalukuyan nasa ilalim pa rin ng Comelec Control.

Tiniyak naman ng PNP na ang deployment na ito ay bilamg pagtupad sa kanilang mandato na siguruhing payapa at magiging maayos ang magiging halalan sa Bangsamoro ata walang maitatalang insidenteng may kaugnayan sa eleksyon.