-- Advertisements --

Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro ang Armed Force of the Philippines (AFP) na siguruhing magiging ligtas at mapayapa ang gaganaping parliamentary elections sa susunod na buwan.

Ayon kay Teodoro, panatilihin ang integridad ng bawat hanay ng militar at tiyaking hindi makikilahok ang sinuman na bahagi ng tropa sa partisan politics sa darating na eleksyon sa Oktubre.

Aniya, kailangang mangibabaw ang boses ng mamamayang pilipino sa pagpili ng kanilang lider at trabaho ng AFP na tiyaking madidinig ito ng payapa at may kredebilidad.

Binigyang diin rin ng kalihim na ang susi sa isang mapayapang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay ang kahandaan ng tropa ng Sandatahang Lakas bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan sa naturang eleksyon.

Samantala, ang naging command conference naman nitong Sabado ay hindi lamang bilang bahagi ng paghahanda ng AFP at DND sa parliamentary elections ngunit maging sa iba pang mga inisyatibo ng organisasyon para sa pagbibigay ng buong suporta sa BARMM.