-- Advertisements --

Inanunsiyo ng International Energy Agency na pumayag ang 32 na miyembrong bansa nila na magpalabas ng 400 milyon na bareles ng langis.

Ang nasabing hakbang ay para matugunan ang krisis sa langis dahil sa labanan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay IEA executive director Fatih Birol na nagpasya ang mga miyembro nila para hindi na lalo sumipa ang presyo ng produktong langis.

Magugunitang nakakaranas ang maraming bansa ng mataas na presyo ng langis mula ng atakihin ng US at Israel ang Iran na nagresulta sa pagkakasara ng mga pangunahing daanan ng mga barko.

Inaatake rin ng Iran ang mga barkong may kargang langis na dumadaan sa ilang karagatang sa bahagi ng Gitnang Silangan.

Ang mga bansang bumbuo ng IEA ay kinabibilangan ng Canada, Chile, Mexico, US , Austria, , Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Slovak Republic, Spain, Sweden, Switzerland, Türkiye, United Kingdom, Australia, Japan, Korea, New Zealand, Colombia, Israel, Brazil , Argentina, China, Egypt, India, Indonesia, Kenya, Morocco, Senegal, Singapore, South Africa, Thailand, Ukraine, Vietnam.