Kinumiprma ng Commission on Elections (Comelec) na mayroon pang siyam na iba pang contractors ang nagpaabot ng donasyon sa ilan pang mga kandidato noong nakaraang eleksyon 2022.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pito mula dito ang naglaan ng donasyon para sa kampaniya ng ilang senador, kongresista at ilang political party-lists.
Aniya, lumalabas na isang contractor ang nagbigay ng donasyon sa 2-3 kandidato habang ang isang kandidato naman ay nakinabang mula sa tatlong construction company.
Ngayong linggo naman ay nagsumite na ang Comelec ng listahan ng mga kontratista na nabigyan ng mga flood control projects na siya umanong nagbigay ng karagdagang pondo sa mga kumakandidato noong 2022 elections.
Samantala, nakatakda namang isumite ng komisyon ang bagong siyam na iba pang contractors bukas sa House of Representatives (HOR) bilang karagdagang ebidensiya para sa patuloy na pagiimbestiga ng mga maanomalyang flood controls projects na ito.