-- Advertisements --

Kinumpirma ng Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na mayroon ng nakahandang ‘arresting team’ para sa susunod na huhulihin maiisyuhan ng ‘arrest warrant’.

Giit kasi niya’y kung mayroon inilabas nang kautusan mula sa korte ay dapat na itong agran arestuhin alinsunod sa nakasaad sa saligang batas.

Subalit hindi nito diretsahang tinukoy kung sino ang sinasabing posibleng susunod na aarestuhin kasabay ng nakahanda ng mga ‘arresting team’.

Ang naturang pahayag ay kaugnay sa kanyang naging paglilinaw ukol sa nabanggit na walang dapat ikabahala si Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kanyang pagiging senate president.

Saad kasi ni Ombudsman Remulla kamakailan na naka-standby na ang arresting teams kaya’y hindi na dapat pang mag-alala.

Bagama’t kanyang kinumpirma ang pahayag, nilinaw ng naturang opisyal na ito’y maaring ituring bilang isang biro ngunit hindi naman literal ang pagpapakahulugan.

Samantala, nagbigay naman ng kumento si Ombudsman Jesus Remulla ukol sa pagbabago sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon kontra mga sangkot sa flood control.

Kung saan itinuring lamang ito ng naturang opisyal bilang ‘politika’, nakikitang dahilan bakit nagkaroon ng ‘revisions’ sa nabanggit na ‘committee report’.

Aniya’y maaring nagkakapersonal na umano ang ilang mga senador sa kanilang paglagda at hindi maitatangging may ‘negosasyon’ o miski pagkompormiso sa gagawin aksyon.

Gayunpaman, ang mahalaga raw dito ayon kay Ombudsman ay ang pagiging ‘intact’ o buo ng mga rekords komite at pahayag o testimonya ng mga testigo.

Magugunitang binago ng senado ang rekomendasyon nitong nakapaloob sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa una kasing committee report, inirerekumendang mapakasuhan ang ilang mambabatas nadadawit sa isyu ng anomalya o korapsyon sa flood control.

Imbes pagsasampa ng kaso, binago ito at ginawang pagrerekumenda ng komite na mapaimbestigahan na lamang sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada.