Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Bangsamoro Region at kauna-unahang parliamentary election sa rehiyon mula sa araw ng Lunes, Pebrero 9 hanggang sa Marso 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, muling binuksan ang voter registration para sa local elections kasunod ng pagpapaliban ng halalan sa Bangsamoro sa Marso 30.
Muling bubuksan naman ng poll body ang Register Anywhere Program (RAP) para sa voter registration, para makapagrehistro ang mga aplikante sa satellite sites sa mga siyudad at bayan nang hindi na kinakailangang umuwi pa sa kanilang mga probinsiya.
Matatandaan, nauna ng ipinagpatuloy sa buong bansa ang voter registration para sa 2026 BSKE mula Octobre 20, 2025 hanggang May 18, 2026.
Subalit, hindi isinama ang Bangsamoro region sa registration kasunod ng suspensiyon ng uinang parliamentary elections ng rehiyon.














