Nanawagan si Sara Duterte sa publiko na iwasan ang motorcades at vehicle caravans bilang anyo ng protesta, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa sigalot sa Middle East.
Ayon sa pahayag, ang ganitong aktibidad aniya ay nagdudulot ng mas mataas na gastos sa fuel, nagpapalala ng air pollution, at nagdudulot ng matinding trapiko, na abala sa karamihan.
Hinihikayat din ni Duterte ang mga lokal na pamahalaan na ipagbawal ang mga motorcade o vehicle caravan, kahit pa ito’y suporta sa dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ani niya, mas mahalaga ang maging maingat sa epekto ng ganitong pagtitipon sa ibang tao at sa kalikasan.
Payo niya, humanap ng alternatibong paraan ng pagtitipon na hindi nakakagambala at mas sustainable, lalo na’t inaasahan pang tumaas ang presyo ng gasolina sa mga susunod na linggo. (report by Bombo Jai)
















