Hinimok ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla ang mga mamamayan sa Mindanao na bumoto at ihayag ang kanilang karapatan sa pagboto para sa nalalapit na eleksyon sa Bangsamoro Autonoumous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Padilla, ito ay karapatan ng bawat mamamayan ng bansa na pumili at magluklok kaya naman dapat lamang na ito ay palaging ipinapakita at pinahahalagahan.
Kasunod naman nito, tiniyak naman ng AFP na katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) para matiyak na magkakaroon ng isang mapayapa at maayos na halalan sa BARMM sa Oktubre.
Maliban naman dito, wala namang naitatalang mga insidente sa ngayon ang tropa at maging ang iba pang ahensya na may kaugnayan sa halalan.
Samantala, tiniyak rin ng Sandatahang Lakas na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring para sa isang mapayapang parliamentary elections.