-- Advertisements --

Apat na pulis ang nahaharap sa dismissal proceedings matapos maiugnay sa mga insidente ng indiscriminate firing noong New Year celebration, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. na iniutos niya ang masusing imbestigasyon at iginiit na ang ganitong gawain ay seryosong paglabag sa disiplina.

Batay sa PNP, ang apat na pulis ay kabilang sa 16 kataong nasangkot sa mga insidente mula Disyembre 16, 2025 hanggang Enero 1, 2026.

Tatlo sa mga pulis ay na-disarm at nakadetine na, habang patuloy namang hinahanap ang isang patrolman sa Cagayan de Oro.

Tiniyak ng PNP na pananagutin ang lahat ng sangkot, pulis man o sibilyan, sa parehong administratibo at kriminal na paraan.