-- Advertisements --

Positibong tinanggap ng financial analyst ang panunumbalik sa P57 level ang katumbas ng isang US dollar.

Ito ay matapos magsara sa pinakamataas na antas sa loob ng mahigit apat na buwan ang trading.

Nagtala ito ng P57.986 kontra dolyar, bahagyang mas mataas kumpara sa nakaraang linggo, dulot ng tahimik na kalakalan sa Asian foreign exchange markets at record-high remittances mula sa overseas Filipino workers (OFWs).

Gayunpaman, bumagsak ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) ng 16.03 puntos o 0.25 porsiyento sa 6,368.55, na ikatlong sunod na araw ng pagbaba bago ang Chinese New Year break.

Ayon sa mga analyst, profit-taking ang isa sa mga dahilan ng pagbaba matapos maabot ng index ang pinakamataas na antas sa loob ng pitong hanggang siyam na buwan.

Tanging banking sector ang nagtala ng bahagyang pagtaas, habang nanguna sa pagbaba ang industrials.

Ayon sa mga eksperto, nananatiling matatag ang merkado sa kabila ng pullback, at inaasahan na ang mga reporma sa pamamahala at anti-corruption measures ay makapagpapalakas pa ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan.

Ang Philippine financial markets ay pansamantalang sarado ngayong Martes para sa Chinese New Year at magbabalik sa kalakalan sa Miyerkules.