Pabirong nilinaw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na hindi “bato” kundi “bakal” ang kanilang nahuli sa kanilang pagtungo sa Davao City.
Ito ang naging tugon ng NBI chief sa gitna ng espekulasyon ng pag-aresto kay Senador Ronald “bato” dela Rosa matapos magtungo sa Davao ang mga operatiba ng NBI at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngayong Biyernes, Agosto 14.
Nilinaw naman ni Matibag sa mga kawani ng media na nagtungo siya sa Davao kasunod ng joint raid sa manufacturing plant ng Davao Mighty Steel Corp. sa Barangay Ilang ng Bunawan district, na nagresulta sa pagkakasagip ng 174 Filipino workers.
“Nandito kami sa Davao, ang nahuli naman hindi bato — bakal,” biro ni Matibag.
Kasalukuyan ngang nagtatago si dela Rosa sa gitna ng kinakaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) matapos pangalanan bilang isa sa co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa umano’y mga pagpatay sa war on drugs ng Duterte administration.











![Direk Joey Reyes, nagbabala sa kalagayan ng pelikulang Pilipino: ‘We have to up the quality of the [Filipino] movies’](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2026/08/Joey-Reyes-100x70.webp)




