-- Advertisements --

Kinumpirma din ni  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na isasama na sa 2027 budget ang mga proyekto para sa flood management at flood mitigation. 

Layunin nitong mapalakas ang mga hakbang laban sa pagbaha sa iba’t ibang lugar.

Sinabi ni Dizon na prayoridad ng naturang budget ang pagpapatupad ng mga flood control masterplan at pagkukumpuni ng mga nasirang flood mitigation projects.

Dagdag pa ni Dizon, kabilang din sa prayoridad ang pagpapahusay ng flood control systems sa mga urban area gaya ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Cebu.

Hindi muna inihayag ni Dizon ang panukalang budget para sa mga proyekto dahil hinihintay pa ang final budget proposal ng Department of Budget and Management (DBM) na isusumite sa Kongreso.