Nirebisa ng Philippine National Police (PNP) ang bilang ng mga nasawi sa pinagsamang epekto ng habagat at kamakailang mga bagyo sa 25 mula sa 26 matapos ang validation.
Kinumpirma ni PNP public information chief Col. Allen Rae Co na kabilang sa mga nasawi ang isang pulis.
Base sa datos mula sa police regional offices (PROs) na isinumite sa PNP national headquarters kaninang umaga, Agosto 13, narito ang bilang ng mga nasawi sa mga kalamidad.
PRO Cordillera Administrative Region (CAR) – due to landslide
La Trinidad, Benguet – 2
Baguio City – 10
Atok, Benguet – 3
PRO Calabarzon
Rodriguez, Rizal – 2 (landslide)
Batangas City – 3 (pagkalunod, pagkakurynete at landslide)
Antipolo City, Rizal – 1 (nabagsakan ng puno)
Binangonan, Rizal – 1 (pagkalunod)
PRO Ilocos Region
La Union – 1 (pagkakuryente)
Alaminos, Pangasinan – 1 (pagkalunod)
PRO Negros Island Region
Cadiz City, Negros Occidental – 1 (PNP personnel died due to drowning)
Samantala, mas mataas ang datos ng PNP kumpara sa pinakahuling ulat mula sa National Disater Risk Reduction Management Council na bilang ng mga nasawi na nasa 21.
Ipinaliwanag ni Col. Co na ang kanilang natanggap na datos ay mula sa kanilang mga yunit na nakatalaga sa mga nabanggit na lugar. Pagdating aniya sa pagtukoy ng mga nasawi, maaari aniyang may ibang criteria ang ibang ahensiya na kailangang matugunan gaya na lamang kung hindi itinuturing ang pagkamatay bilang direktang may kaugnayan sa habagat o bagyo.
Iniulat din ng ahensiya na mayroong 82 PNP personnel ang apektado sa Metro Manila at Mimaropa dahil sa baha at napinsala din ang kanilang bahay dulot ng ilang araw na pag-ulan dala ng habagat.
















