-- Advertisements --

Dumipensa si House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro sa naunang online post ni Atty. Amando Ligutan ukol sa hindi katanggap-tanggap na paggamit ng misleading questions sa korte.

Ayon kay Luistro, walang anumang probisyon na nalabag si Atty. Amando Ligutan kaugnay ng kaniyang social media post.

Katwiran ng abogadong mambabatas, ang ipinagbabawal lamang ay ang pagbibigay ng komento sa mismong merito o sustansya ng kaso.

Sa halip ay pumapasok lamang aniya sa usaping procedural ang online post ni Ligutan upang bigyang-linaw ang pampublikong katanungan at hindi ang mga paksang pagbobotohan pa ng mga senator-judge sa hinaharap.

Hangga’t procedural lamang aniya ang isang komento at hindi tumutukoy sa merito, pinapayagan ito ng rules ng Senado bilang isang impeachment court.

Sa kabila nito, nais din aniya ng House panel na magkaroon ng malinaw na guidance mula sa korte ukol sa sub judice rule para sa mas istriktong pagsunod sa naturang panuntunan.