-- Advertisements --

Nagsasagawa ang gobyerno ng mga hakbang upang mapababa ang epekto ng mataas na presyo ng langis at pagkain para sa mga pamilyang Pilipino.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr.

Kabilang dito ang fuel subsidies para sa sektor ng transportasyon, pagpapababa ng taripa sa imported rice, at pagpapalawak ng programang P20 rice. 

Ayon sa Pangulo, nasa 7.5 milyon na pamilyang Pilipino ang nakikinabang sa mga programang ito.

Aminado rin si Pang. Marcos na naantala ang paggastos ng gobyerno dahil sa masusing pagsusuri sa pambansang badyet. 

Gayunman, sinabi niyang pinabibilis na ang public spending upang makahabol sa target bago matapos ang taon.

Tungkol naman sa mabagal na paglago ng ekonomiya, sinabi ng Pangulo na malaking epekto rito ang krisis sa enerhiya at pandaigdigang kawalan ng katiyakan. 

Aniya, mahalagang maibalik ang katatagan ng presyo sa mga bilihin at ekonomiya upang mahikayat ang pamumuhunan.

Iginiit din ng Pangulo na may mga hakbang na ang gobyerno para mapanagot ang mga sangkot sa korapsyon.

Layunin nito upang mapanatili ang tiwala ng mga mamumuhunan sa bansa.