Arestado Bureau of Immigration sa lungsod ng Dagupan ang isang Indian national na pinaghahanap ng International Criminal Police Organization o Interpol.
Batay sa impormasyon ng kawanihan, wanted sa Qatar ang naarestong dayuhan dahil sa pamemeke ng mga dokumento ng kumpanya.
Kinilalal ang suspek na si Narayan Murlidhar Nathani, 48-taon gulang naaresto partikular sa bahagi ng Tondaligan Road sa Bonoan Geset ng Dagupan City.
Ani ng kawanihan, nakatanggap sila ng impormasyon na si Nathani ay wanted ng Interpol mula pa noong Marso 2017 at may kinakaharap pang ‘warrant of arrest’ na inisyu ng isang korte sa Doha.
Batay pa sa ulat, hindi umano binayaran ng suspek ang pineke nitong mga binili para sa isang Qatari company na siyang malinaw na paglabag sa Penal Code ng bansa.
Ayon naman sa beripikasyon ng BI, nakita sa kanilang record na dumating ang dayuhan sa bansa noong 2016 bilang isang turista lamang ngunit kalauna’y bigong mapa-extend ang kanyang Visa.
Kaya’t ang FSU o Fugitive Search Unit ng kawanihan, katuwang ang Philippine National Police ay nang matukoy ang lokasyon ng suspek, agaran itong inaresto.
Idinala na si Nathani sa pasilidad ng Bureau of Immigration sa Taguig kung saa’y kanyang kakaharapin ang deportation proceedings.