-- Advertisements --

Naaresto ng Bureau of Immigration ang dalawang (2) Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA dahil sa paggamit ng pekeng ‘exit clearances’.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang mga ito na sina Li Jiancheng, 29-taon gulang at Liao Weibin na 39 years old naman.

Arestado ang dalawang Chinese individuals kasunod ng tangka nilang makalipad paalis ng bansa tungo sa Singapore.

Ngunit ang mga tauhan ng BI sa immigration protection and border enforcement section ay ibinahagi na ang mga ito ay naaresto buhat din sa makailang ulit na ‘records verification’ sa departing passengers.

Dito na natuklasan ng mga opisyal ng kawanihan na ang gamit ng mga naturang Chinese na ‘exit clearances’ ay hindi ligal sapagkat ito’y mga peke.

Nai-turn over na ang dalawang dayuhan sa border control and intelligence unit ng Bureau of Immigration at nahaharap sa ‘deportation’ matapos ang paglabag sa immigration laws ng bansa.