Nangangambang muli ang nasa higit dalawang libo’t anim na raan residente sa barangay Tumana, lungsod ng Marikina sa isyu patungkol sa patubig sa kanilang lugar.
Nahaharap kasi ang naturang komunidad sa krisis sa tubig kasunod nang makatanggap ng panibagong notisya ang barangay mula sa water service provider.
Nakasaad sa natanggap ‘disconnection notice’ na paalalahanan silang bayaran ng buo ang kanilang ‘water bill’ nagkakahalaga at aabot sa higit 26-milyon piso.
Habang babala ng water service provider na kung ito’y hindi mababayaran sa itinakdang petsa na ika-27, kahapon, kanilang itutuloy ang pagputol sa koneksyon ng suplay sa patubig.
Kaugnay pa rito’y nahaharap din sa nakaambang krisis sa tubig ang mga residente ng Tumana matapos pumasok ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni punongbarangay Akiko Centeno sa isang memorandum of agreement.
Nagbunga ito para dumoble ang magiging singil sa tubig nagkakahalaga o mula 30-piso hanggang 60-piso kada cubic meter.
Kung kaya’t umani ito ng iba’t ibang mga reaksyon sa kabila ng layon na matugunan lamang ang problema sa maayos na suplay ng tubig sa barangay.
Bukod din anila kasi sa isang daan porsyentong pagtaas ng singil sa tubig, kinakailangan rin magbayad ang bawat household ng P1,200 bilang guarantee deposit bunsod nang pansamantallang kunin ng isang third-party operator ang sistema sa patubig.
Kung maaalala, ilang linggo lamang ang nakalipas nang makaranasa ang barangay tumana ng tuluyan at matagalang water shutdown noong panahon ng kapaskuhan.
Ito’y nang umabot sa higit 30-Milyon Piso ang utang sa tubig ng barangay matapos bigong mai-remit umano ng punong barangay ang mga nakolektang bayad mula sa mga residente.
Pinabulaanan naman ng punong barangay ang mga alegasyon dawit ito sa korapsyon patungkol sa isyu ng patubig.
Subalit sa ipinasang ordinansa ng sungginian panglungsod katuwang ang alkalde na si Mayor Maan Teodoro, naglaan ang 15-milyon piso ang pamahalaan para mabayaran kahit bahagi sa milyun-milyon utang.
Dahil sa hiling din ng alkalde, agaran naibalik ang koneksyon at suplay ng patubig sa 13 common water points sa Barangay Tumana, Marikina.
Sa kabila nito’y muling nahaharap at pinangangambahan ang posibilidad na maulit ang nangyari nitong nakaraang taon kung saan naputulan ng suplay ng tubig ang mga residente.
















