-- Advertisements --

Inilunsad na ng Department of Tranportation (DOTr) ang dalawang makabago at modernong Public Utility Vehicles stops sa Marikina City.

Pinangunahan ni DOTr acting Secretary Giovanni Lopez at Marikina City Mayor Maan Teodoro, ang paglunsad ng PUV stop na matatagpuan sa San Roque Park at sa Concepcion Elementary School.

Sinabi ni Lopez na ang nasabing PUV stop makikinabang dito ang mga pasaherong may kapansanan at mgaing ang mga siklista.

Sa bawat PUV stops ay makikita ang upuan na para sa mga PWD at buntis.

May nakalagay na CCTV cameras, lightning system, concrete bollards, tactile pavement para sa mga visually impaired, charging stations, solar panels at bike repair stations.

Nakalagay din doon ang bike map panels para makita kung saan humihinto ang mga pampapsaherong sasakyan.

Dagdag pa ng opisyal na magiging ehemplo ang Marikina City at gagawa sila ng kahalintulad nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.