Inamin ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na posibleng umabot sa P60 kada dolyar ang palitan ng piso, ngunit iginiit na hindi ito inaasahang mangyari sa ngayon.
Ginawa ng BSP chief ang pahayag kasunod ng 2026 Annual Reception for the Banking Community, na aniya hindi awtomatikong ipagtatanggol ng BSP ang piso kahit pa umabot ito sa pagbaba. Nakadepende aniya ito sa magiging aksyon ng bangko sentral kung biglaan o unti-unti ang paghina ng pera.
Naitala kamakailan ang piso sa P59.46 at umabot pa sa intraday high na P59.50.
Ayon sa Malacañang, ayaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa P60 ang piso dahil maaari nitong palakihin ang utang ng bansa.
Nagpahayag din ang mga pribadong sektor na bagama’t may benepisyo ang mahinang piso sa retail, lalo na sa OFW families, may mga sektor ding maaaring maapektuhan nang negatibo nito.
Samantala, malaking hamon naman sa mga airline company ang pagbaba ng piso sa airline industry dahil karamihan daw ng kanilang gastos ay nasa dolyar.
Sa kabilang dako naobserbahan ang pag-sara ng piso sa P59.09 noong Biyernes at nagbukas sa P58.97 nitong Lunes, Enero 26, 2026.














