-- Advertisements --

Nagtala ang mga bangko ng bansa ng kabuuang P403.1 bilyon na kita noong 2025.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nasabing bilang ay mas mataas ng tatlong porsyento kumpara noong 2024 na mayroon P391.33-B.

Itinuturing ng BSP na ang dahilan ng pagtaas ng net income ng mga bangko ay dahil pinababang interest rate ng mga bangko.

Tiwala ang BSP na mas tataas pa ang net profit ng mga bangko ngayong taon.