-- Advertisements --

Ipinanukala ni Batangas 2nd District Representative Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mandatory drug testing sa lahat ng tanggapan ng gobyerno upang mapanatili ang integridad, pananagutan, at tiwala ng publiko sa mga institusyon nito.

Ayon kay Luistro, dapat maging huwaran ang mga lingkod-bayan at panatilihin ang mataas na pamantayan ng propesyonalismo dahil ang paggamit ng ilegal na droga ay nakakasira sa kahusayan, pagdedesisyon, at kredibilidad ng gobyerno.

Dagdag pa niya, ang drug testing ay isang preventive at restorative measure upang protektahan ang interes ng publiko, tiyakin ang tamang paggamit ng pondo, at tulungan ang mga empleyadong may problema sa substance abuse.

Tiniyak din ni Luistro na igagalang ang karapatang konstitusyonal, dignidad, at fairness sa pagpapatupad nito, at magkakaroon ng malinaw na guidelines para sa transparency, pagkakapantay-pantay, at due process sa pagsasagawa ng proseso.