Ipinagutos ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr) na sumailalim ang lahat ng Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa ‘mandatory drug testing’. Ito ay kasunod ng mga insidente sa daan na sangkot ang mga public transportation drivers.
Sa naging pulong balitaan ngayong araw, ayon Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, gagawin nilang regular ang mandatory drug testing at hindi lamang kapag kukuha ng lisensya o kahit magrerenew ng lisensya.
Suhestiyon pa ni DOTr Sec. Dizon na gawin ito bawat 90 na araw para mas masuri pa talaga ang mga drivers. Aniya, makatutulong nila sa pag-iimplenta nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
“DOTr will be working with PDEA to implement mandatory drug testing..Ako po galit na galit no’ng narinig ko na hindi pumayag magpa-drug test ang driver ng Solid North. Wala po siyang choice. Nakapatay ka ng tao tapos di ka magpapa-drug test? Mandatory po ito, regular mandatory. Hindi lang ito kapag magre-renew ka ng lisensya, magre-renew ka ng prangkisa, rehistro, regular ito. We’re recommending every 90 days..” pahayag ni DOTr Sec. Vince Dizon sa naging pulong balitaan ngayong araw.
Samantala, planong iimplementa na rin ng ahensya kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang pagbawas ng maximum driving hours ng mga pampasaherong bus. Mula anim na oras, ito ay magiging apat na oras na. Ibig-sabihin, kapag ang byahe ay lagpas na ng apat na oras, dapat may kapalitan na ang driver.
“I have asked LTFRB and the LTO to change the maximum number of hours that a driver can drive consecutively, from six to four hours…. Kapag ang biyahe mas mahaba sa four hours, dapat may relyebo, hindi kundoktor.” dagdag na pahayag ni DOTr Sec. Dizon.