Pumalo na sa mahigit P15.16 milyon na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at iba pang law enforcement agency.
Ito ay mula sa isang linggong operasyon mula December 12 hanggang 19 sa kabuuang 52 anti-illegal drug operation na isinagawa sa buong bansa.
Ayon sa PDEA, naaresto rin nila ang nasa 55 drug personalities mula sa mga ikinasang operasyon.
Batay sa datos ng ahensya, kabilang sa mga operasyon ay isinagawa sa Tondo sa Metro Manila, Benguet, Kalinga, Mountain Province,Santiago City, Isabela, Butuan City, Agusan Del Norte, at Baroy sa Lanao Del Norte.
Sa data ng PDEA, lumalabas na pinakamarami ang nakumpiska na iligal na droga ang shabu at tanim na marijuana mula sa kanilang operasyon .
Nanawagan naman si PDEA Director General Isagani Nerez sa publiko na maging aktibo sa pakikilahok sa PDEA sa pagsugpo sa ilegal na droga sa kanilang mga komunidad.
















