-- Advertisements --

May hakbang na ginagawa ngayong ang Department of Migrant Worker (DMW) para mapalakas ang proteksyon at benepisyo ng mga Pinoy seafarers.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na sila sa mga industry leaders para talakayin ang nasabing mga usapin para sa ikakabuti ng mga Pinoy seafarers.

Isinasapinal na nila ang mga bagong standard contract kung saan nakatuon din ito sa kompensasyon sakaling magkasakit o maaksidente ang mga marino.

Maaring sa mga susunod na mga linggo ay maisasapinal na nila ang nasabing bagong programa para sa mg kabutihan ng mga seafarers.