-- Advertisements --

Tinuligsa ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson para sa West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang mga pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na aniya’y pambabastos at paninira sa kanyang pagkatao.

Sa panayam nitong Martes, sinabi ni Tarriela na wala siyang ginawang mali laban sa interes ng bayan upang maliitin siya. Binanggit din niya ang pahayag ni Cayetano sa plenary debate na dapat niyang hubarin ang kanyang uniporme. Ayon kay Tarriela, handa siyang makipag-debate basta’t patas at bukas ang talakayan.

Ang pahayag ni Tarriela ay kasunod ng mainit na diskusyon sa Senado kaugnay ng paggamit niya ng caricature ni Chinese President Xi Jinping sa isang public speaking event.

Noong Lunes, iginiit ni Cayetano na hindi dapat ipasa ang Senate Resolution No. 256 kung magmumukhang sinusuportahan nito ang mga naging aksyon ni Tarriela laban sa mga opisyal ng China, at binigyang-diin ang kahalagahan ng diplomatic decorum. (report by Bombo Jai)