Naaresto ng Bureau of Immigration ang ilang dayuhan Chinese sa Bulacan dahil sa paglabag ng mga kondisyon sa papanatili nito ng Pilipinas.
Kung saan, arestado ng mga operatiba ng Intelligence Division ng BI ang anim (6) na Chinese na itinuring bilang ‘undesirable’ sa ilalim ng immigration laws ng Pilipinas.
Ayon kay BI-ID Chief Fortunato Manahan Jr, ang mga indibidwal ay naaresto partikular sa bahagi ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City ng Bulacan habang nagtatrabaho para sa isang construction company.
Natuklasan sa imbestigasyon na ang dalawa sa mga ito, bagama’t may valid na working visa, pinetisyon anila ang mga Chinese para sa ibang trabaho.
Habang ang apat nama’y tourist visa lamang ang awak na siyang walang otoridad o pahintulot upang magtrabaho sa pananatili sa bansa.
Ang naturang anim na naaresto ay kasalukuyan ng humaharap sa deportation proceedings at inilagay na rin sa blacklist ng BI upang di’ na muling makabalik ng bansa.