Inilabas na ng Judicial Bar Council (JBC) ang opisyal na listahan ng aplikante para sa posisyon ng Ombudsman.
Kinabibilangan ito nina: Commission on Human Rights Commissioner Beda Epres; Supreme Court (SC) Associate Justice Samuel Gaerlan; dating Bureau of Internal Revenue commissioner Kim Jacinto-Henares ; Office of the President Deputy Executive Sec. for Legal Affairs Anna Logan; Retired SC Associate Justice Mario Lopez; dating PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag; Sandiganbayan Associate Justice Michael Frederick Musngi; Justice Secretary Jesus Crispin Remulla; Philippine Charity Sweepstakes Office chairperson Felix Reyes; Daraga, Albay Municipal Trial Court Presiding Judge Jason Rodenas; dating Regional Trial Court Judge Benjamin Turgano; Philippine Competition Commission chairperson Michael Aguinaldo; Interior Undersecretary Romeo Benitez; Lawyer Jonie Caroche-Vestido; Court of Appeals (CA) Associate Justice Bautista Corpin Jr.; dating CA Associate Justice Stephen Cruz at Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg.
Hinikayat din ng JBC ang publiko na ibahagi ang kanilang komento at pagalinlangan sa mga aplikante.
Makikita ang resulta ng survey ng JBC sa Agosto 26 dakong 4:30 ng hapon.
Itinakda rin ang per batch na interview sa mga aplikante kung saan isasagawa ang public interviews kina Aguinaldo, Benitez , Caroche- Vestido,Corpin at Cruz sa Agosto 28.
Habang ang public interview kina Econg, Epres, Gerlan at Jacinto-Henares ay sa Agosto 29.
Sa Setyembre 1 naman isasagawa ang interview kina Logan, Lopez, Matibag at Musngi at sa Setyembre 2 naman isasagawa ang interview kina Remulla, Reyes, Rodenas at Turgano.
Isasagawa ang interviews sa SC Session Hall sa Manila.
Ang mapipiling opisyal ay papalitan ni dating Ombudsman Samuel Martires kung saan ang kaniyang termino ay nagtapos noong Hulyo 27.
Maninilbihan sila ng fixed terma na pitong taon ng walang reappointment.
Pansamantalang itinalaga ng Malacanang si Special Prosecutor and former Court of Appeals presiding justice Mariflor Punzalan-Castillo bilang acting Ombudsman.